Newbie's Advice

A friend asked me about my feelings when I started trading. She also sought advice if one wants to enter the exciting world of trading. I hope my readers understand Filipino, because its written in our language. 

Question: So far, kumusta magtrade? Overwhelming ba ito until now?

Sa ngayon, nasa beginner phase pa lang din ako. Di kasi ako sumabak kaagad sa live trading, puro demo lang. Live means naglagay ka na ng real money. Mas tumaas yung drive ko mag-succeed nung may nakataya na ang totoong pera.

Hindi na siya naging kasing overwhelming nung last year noong nagsisimula pa lang ako. Zero background talaga ako sa usapang finance, market, at trade; ang alam ko lang, mag-ipon ka at yayaman ka (hehehe). From social development course and work, nag-180-degree turn ako into trading. Tapos noong una, nahirapan din akong i-embrace yung idea ng trading, kasi lahat nang ito ay nagaganap under a capitalist system. Mahabang explanation ito kung ba't problematic sa akin ang capitalist system, at dala na rin ng aking mga ideals. Pero naisip ko rin na di ko maiiwasan ito (the capitalist system) kaya naman sinubukan ko na rin ang trading. Plus, malakas yung desire ko na magkaroon ng sariling lupa at bahay.  

Makakatulong kung aaralin yung basics ng kung paano at ano ba ang ganap sa trading. Ang focus ko kasi ay sa forex, hindi stocks. Mayroon kasing iba't ibang market sa trading, at isa na run ang foreign exchange market, o forex. Magiging applicable din ang basic concepts na matutunan sa forex kapag tumawid na sa ibang markets tulad ng stocks.

Sa ngayon, I must say more than being overwhelmed, I'm more challenged to succeed and create a winning trade formula. Deep inside kasi ang totoo ay competitive din ako na tao, pero nasa chill side ng Competitive Spectrum. Di ko alam kung 
kung meron bang ganun. Haha!

Q: Anong maipapayo mo sa isang conservative risk taker sa pag trade?

Same tayo na conservative risk taker. Ako yung tao na gusto ko alam ko na sana dapat yung outcome bago pa ako pumasok sa kung ano man yung papasukin ko. Gusto ko rin na controlled ang halos lahat ng steps and outcome kasi  gusto ko perfect yung outcome. I would say na this characteristic can be a good advantage as long as you let go  of the fear to fail. Kasi yun lang yung pipigil sa atin to risk something. We have to have the mindset na it is  okay to fail, kasi it is an asset.

One thing I have noticed with this kind of characteristic and attitude is that I don't tend to repeat my mistakes all the time. Natututo kaagad ako na, "Ah yan ang hindi ko dapat gawin."

Almost all of the traders I follow and read would say that the number one challenge a trader faces is their own self, or what they call trader's psychology. Parang ang gusto nilang sabihin ay ikaw ang sarili mong kalaban dito, lalo na nakasalalay diyan ang ego.

Q: Madali bang matutuhan at i-apply yung concepts sa actual trading?

Depende ito sa willingness at kung may drive ka na i-practice siya everday. Madali matutunan yung mga basic concepts and lessons mas mahirap yung you keep on practicing it and then reflecting on the actions done. Parang in every thing we do, di lang sa trading, praxis is the key to advancement in everything we want to excel in.

I'm still learning along the way. Parang mas madami akong natutunan ngayon na actual trading na yung ginagawa ko na hindi ko makukuha lang sa pagbabasa at panunuod ng mga tutorials.

It will take time, discipline, and the drive to really succeed in trading.

Dapat kaya mong i-mute yung feelings mo sa mga nangyayari while trading. Makikita mo kasi in real time na kung anong nangyayari sa pera mo: nakakadepress kung nababawasan in large amounts; o nakaka-excite kapag nadaragdagan. Kapag sasabayan mo kasi yung kung anong nangyayari sa trades mo, baka after ilang weeks pa lang ay baliw-baliwan ka na dahil sa papalit-palit yung emotions na nararamdaman mo. Plus, the stress level you are putting in yourself ay bonggang-bongga.

Hence, you really need to want it. Sabi ko sa isang reflection note ko na I was not 100% in doing this last year, but around September of 2020 I knew that I wanted to trade, pero in my own terms and time. Kaya lang there was no diving board present kaya nag drag on pa up to the present. Finally, I just dove right into it thinking na sayang naman lahat ng panahon na ginugol ko sa pag-aaral tapos wala akong mapapala in the end. 

This article was updated on 15 Apr 2021

She's the leap trader.